May Mandurugas sa loob ng PBB house, kuya kunsintidor!
Nobyembre 13, 2011 at 11:15 hapon Mag-iwan ng puna
Kunsintidor talaga itong si kuya a.k.a. Big Brother. Bakit kamo? E mantakin mo ba namang naglagay ng isang mandurugas sa loob ng PBB house at ginawang karnibal ang bahay ni kuya sa squatters area. Ang mandurugas na ito ay nananabutahe sa lahat ng kung ano ang kayang isabotahe. Alamin nyo kung sino ang mandurugas na ito at sabay sabay nating ipako sa krus kasama ni kuya na makapaglagay lang ng twist na kakaiba ay pahihirapan ang mga PBB housemates na lehitimong nakapasa sa audition.
Take note: Ang mandurugas na ito ayon sa bubuwit ay hindi isang tunay at certified housemate kundi isang japake at hindi sya magiging isang certified PBB Unlimited housemate hangga’t hindi nya natutupad ang mga kalokohang ipinapagawa nitong baliw na si kuya.
Pero sa totoo lang sadyang naging more exciting para sa mga housemates ang gumawa ng paraan para maibsan ang problemang dala ng mandurugas na ito sa loob ng PBB house. O diba? San kapa?
Entry filed under: Housemates, Task, Twists. Tags: mandurugas, PBB House, pbb housemate.
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed